Monday, November 1, 2010

Salisi Gang: The Introduction

hi....
aside from the fact that i know i won't be able to sleep...
i scheduled to post this at this time around...
it's a special request from Martha...
i really had plans on doing it...
i wasn't that much eager to at that time..
anyway..it's in Filipino,,,
and the contents will speak for itself...



Kamusta kayo diyan mga kaibigan
Tara at makinig sa aking panayam
Patungkol po ito sa most wanted gang
Charmed and dangerous malamang

Ngunit subalit datapwat wag mabahala
Mabait sila pag lubusang nakilala
Makinig at babanggitin ko po sila
Baka sakaling sila'y iyong nakita

Alphabetical ang pagkakasunod ng pangalan
Para walang masabing naganap na lamangan
Andyan po si Cez, si Charm at si Dawnie
Pati po si Debbie, Digs at si Dethy

Sadyang dinugtungan ang pangalan
Upang makapagrhyme sa tula lamang
Kasama rin po sina Madz, May at Fudgie
At syempre si Martha, Salve at Rubie

Kung inyong pinansin di nasunod aking batayan
Wala po kasing rhyme pag di binago ayos ng pangalan
Labing dalawa po ang aking nabilang
Wala naman siguro akong nalimutan

Pero teka teka di ka ba nagtataka
Bakit marami silang magkakasama
Dalawang grupo nagkasama po sila
Pero pag iyong nakita parang iisa

Maswerte ka kung sila'y iyong kilala
Wala kang gagawin kundi kumain at tumawa
Lakas makatambay po sila sa Mcdo
Totoong mga kaibigan, walang halong biro

Pero hanggang dito na lang po muna aking panayam
Sa susunod na kabanata na lang aking kaibigan
Patungkol pa rin po sa most wanted gang
Sila po nga pala ang mahal kong Salisi Gang

...that's about it...i hope it's good enough to read...


I LOVE THESE GUYS..ah..GIRLS SOOO MUCH.........

No comments:

Post a Comment